PAANO MAKAKARATING SA BELLA MONTANA FARM
Sundin ang mga sumusunod na direksiyon.
Kung manggagaling ng Metro Manila, dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) at mag-exit sa connector road papuntang Northbound ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) o yung direksiyon papuntang Baguio.
Pagpasok sa northbound lane ng SCTEX, mag-exit sa pinakaunang interchange na daratnan. Ito ang Clark North Exit na dadaan sa Prince Balagtas Avenue.
Pagkalabas sa Clark North Exit, diretso lamang sa Prince Balagtas Avenue at pagkaraan ng humigit-kumulang 3 kilometro (bago sa sentry gate ng Clark) kumanan sa Sacobia River Bridge. (Pwede na ang picture-taking sa mahabang tulay na ito)
Mula sa tulay, diretso lamang sa daan na pakurba-kurba (Monicayo Road, halos 2 kilometers) hanggang makarating sa T-intersection. Dito lumiko pakanan at pagkatapos ng kalahating kilometro ay makakarating sa may Sacobia Chapel. Sa tapat ng Sacobia chapel, liliko pakaliwa at paakyat ng sementadong kalsada na lulusot sa mga kabahayan. Medyo makipot ang kalsada at mahirap kapag may kasalubong na ibang sasakyan kaya doble ingat. Pero, maari nang magtanong ng direksiyon sa mga taga-rito dahil malapit-lapit na ang inyong destinasyon.
May halos kalahating kilometro na hindi sementadong kalsada ang madadaanan bago ang Bella Montana Farm kaya’t mas maigi na magdala ng sasakyan na hindi sobrang baba o mahihirapan sa maputik at baku-bakong kalsada.
Kung sanay naman sa lakaran, maaaring iwanan ang sasakyan hanggang saan aabutin ang maayos sa kalsada na maglakad na lamang paakyat. Pwede rin sa bisikleta para may exercise.
Paalala:
Walang CR sa mismong farm kaya’t mas maganda kung gawin na ang mga kailangang gawin bago pa umakyat.
Maraming salamat po!






Comments
Post a Comment