PAANO MAKAKARATING SA BELLA MONTANA FARM
Gustong marating ang Bella Montana Farm na matatagpuan sa Bamban, Tarlac? Sundin ang mga sumusunod na direksiyon. Kung manggagaling ng Metro Manila, dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) at mag-exit sa connector road papuntang Northbound ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) o yung direksiyon papuntang Baguio. Pagpasok sa northbound lane ng SCTEX, mag-exit sa pinakaunang interchange na daratnan. Ito ang Clark North Exit na dadaan sa Prince Balagtas Avenue. Pagkalabas sa Clark North Exit, diretso lamang sa Prince Balagtas Avenue at pagkaraan ng humigit-kumulang 3 kilometro (bago sa sentry gate ng Clark) kumanan sa Sacobia River Bridge. (Pwede na ang picture-taking sa mahabang tulay na ito) Mula sa tulay, diretso lamang sa daan na pakurba-kurba (Monicayo Road, halos 2 kilometers) hanggang makarating sa T-intersection. Dito lumiko pakanan at pagkatapos ng kalahating kilometro ay makakarating sa may Sacobia Chapel. Sa tapat ng Sacobia chapel, liliko ...

Comments
Post a Comment